Friday, September 09, 2005
Angela got acquainted with the little prince on 04:14 am
Angelic Thoughts Permalink
Thursday, September 01, 2005
Angela got acquainted with the little prince on 03:07 pm
Angelic Thoughts Permalink
Wednesday, August 31, 2005
Bata pa lang ako, gusto ko nang maging doktor. Siguro tlgang kusang sagot na iyon ng mga walang muwang na mga bata kapag tinatanong sila ng mga matatanda kung ano ang gusto nila paglaki nila. Isa pa, lumaki ako sa isang hospital environment. Clinic Nurse kse ang nanay ko kaya natutuwa ako sa mga doktor na nakikita ko sa clinic nila. Ewan ko lang kung bakit di ako natuwa sa environment ng tatay ko-sa Meralco. hehe,, Pero maliit pa lang ako alam ko na health science related ang kukunin kong course. Naaalala ko pa ang sinulat ko sa HS yearbook namin sa parteng Dreams/Ambitions: I want to be a successful doctor someday. Pangarap na namin yan noon pa man ng mga kaibigan ko sa SJA--kami nila kris, avie at lorraine--isasama ko na si jobart. :)
Pero natanggap ako sa UP Manila at hindi sa course na BS Biology at BS Pharmacy (BS Bio lang ang alam ko na pre-med noon. hehe) Napunta ako sa Nursing. Hindi ko alam kung bakit ako doon nilagay ni Dean Tungpalan nung nagpa-reconsider ako. Pero masaya ako at doon niya ako nilagay. Sa buhay nursing ko, nakita ko ang service na talaga naman naibibigay ng mga nurse na siyang nakababad kasama ng mga pasyente. Nakita ko ang WORTH ng isang nurse at naisip ko na OK na skin ang hindi maging isang doktor. Sabi ko pa nga, pde naman ako magMA at mag PhD sa Nursing eh... Hanggang sa board exam, hanggang sa oath taking unti-unti nang nabubura ang kagustuhan kong maging doktor. Para kseng gusto ko nang makatulong dito sa aming pamilya. Nakaayos na ang plano kong magNCLEX, magtrabaho sa PGH at umalis ng bansa after 3 years. Kahit na alam kong ang fulfillment ng pagiging nurse ko ay dito sa Pilipinas ko lang makikita, naiisip ko na dapat na akong tumulong sa pamilya. Nasasaktan nga ako kapag sinasabi nila na bakit ako magpapaka martyr magtrabaho pa dito samantalang me visa na ako at pde na akong umalis as in ngayon na. Nahihirapan ako i-explain na gusto ko dito at gusto ko makapaglingkod sa mga taong bayan na nagpaaral sa akin. Mahirap ba yon intindihin.?! At alam kong nakakatawa ang ganong pag-iisip dahil halos lahat naman, gusto nang makaalis agad. Pero ganon pa din, balak ko pa din umalis dahil kailangan ng pamilya dahil pangarap ko pang mabigyan ng baon ang tatlo kong batang kapatid at di ko sila pde pabayaan...Kailangan ko din kseng tanggapin na talagang underpaid ang mga nars dito at sa akin pa lang, kulang na ang magiging sweldo ko...
Hindi nagbabago ang isip ko--kahit nsa med na sina avie, jobart at lorraine at niyayaya nila ako, kahit na kinukumbinsi ako ng tito ko na maging doktor ako, kahit na natutuwa ako sa pinagaaralan at natututunan ng mga kaibigan kong nagmeMED na ngayon at kahit na alam ko na gusto din yon ng mga magulang ko para sa akin. Pinaninindigan ko talaga na NURSE nko. ;-)
Hanggang sa noong thursday, August 25, 2005. Nakausap ko si Dr. Willie Ong, isang cardiologist na nagki-clinic sa madocs kina nanay. (Siya ang isa sa author ng medicine blue book na nakikita kong ginagamit ngayon ng mga med student.) Tinanong niya ako, "Hindi ka na ba talaga mag-me2d.?" Sabi ko, hindi na, dahil sa maraming rason...sa kapatid ko na nagpi2loto (ayoko na makipagsabayan sa gastos), dahil sa gusto ko na makatulong sa pamilya, dahil sa tamad naman talaga ako mag-aral, atbp. Pero sa daloy ng pag-uusap namin, doon ko napatunayan sa sarili ko na hindi pa din talaga nawawala ang kagustuhan kong mag-doktor. Dahil bawat tao na kumausap sa akin tungkol dito, may kakaiba akong nararamdaman na pawang nagpapagulo sa akin. Maraming sinabi sa akin si Dr. Ong, mga magagandang dahilan kung bakit dapat ituloy ko ang MED. Iba siguro talaga kung makakarinig ka galing sa isang doktor na. Kung paano niya ako inencourage na kakayanin ko yon. Sari-sari na ang tumakbo sa isip ko, naisip ko na ang kapal ata ng mukha ko magMED samantalang ang tamad ko, ayaw kong mag-memorize at ayaw ko ng mga gamot. Di din ako magaling sa klase at sobrang average student lang ako...Madami akong pdeng dahilan kung bakit dapat kong i-reconsider ang pagme2d at madami din akong pdeng idahilan kung bakit hindi na.
Simula nang araw na iyon, di na ako natahimik. Pinadala din sa akin ng isang kaibigan ang isang artik ni roni-bats na nasa upmed ("Gusto kong maging doktor dahil...") At nakita ko na totoo nga. Sabi nga niya, hindi ito dahil sa kikitain ko kapag doktor nko, di lang ito dahil sa mga magulang ko, di ito dahil sa mga matututunan ko at di lang ito dahil sa binulungan ako ng Diyos. Ito ay dahil sa gusto ko. Sa kabila ng mga dahilan maguugat pa din yon sa kagustuhan kong maging doktor. Ika nga ni roni-bats, "Kailangan pa ba ng dahilan.?"
Saan man ako dadalhin ng napukaw na damdaming ito, alam ko na ngayon kung ano ang gagawin ko. Hindi naman ako lalapitan ng MED. Mayroon akong dapat gawin. Ang tingnan ang aking sarili kung gusto ko talaga. At kung alam ko na kung gusto ko, susubukan ko at kakayanin ko. Tulad ng nursing na gunusto ko din at kinaya ko. Hindi madali magdesisyon pero gusto ko makita kung ano ba tlga ang gusto ng mga magulang ko para sa akin, kung ano ba talaga ang gusto ko at higit sa lahat kung ano ba ang gusto ng DIYOS para sa akin.
God knows the desires of our hearts. Ayon nga kay Paulo Coelho, "If something is meant for you, the whole universe conspires to help you achieve it." Sana makita ko na...At kung ano man ang hakbang na aking gagawin, malalaman ko naman kung para sa akin talaga ang MED. At alam ko din naman na bilang nurse man o doktor, kaya kong maging masaya para sa plano ng Diyos para sa akin. *wink*
Angela got acquainted with the little prince on 04:38 pm
Angelic Thoughts Permalink
Mottaka
when the moon shines
from the heavens above
life can be sweet, so green & so young
?cheese?

Angela
Female
Las Pinas City

Datelines
| << January 2012 >> | ||||||
| Sun | Mon | Tue | Wed | Thu | Fri | Sat |
| 01 | 02 | 03 | 04 | 05 | 06 | 07 |
| 08 | 09 | 10 | 11 | 12 | 13 | 14 |
| 15 | 16 | 17 | 18 | 19 | 20 | 21 |
| 22 | 23 | 24 | 25 | 26 | 27 | 28 |
| 29 | 30 | 31 | ||||
Taggie
Blogsters
|
|
C R E D I T
| BLOGDRIVE |
| TEMPLATES |